Sa halos lahat ng relasyon na alam ko, isa sa mga pinaka malaking isyu ang selos at tiwala. Marami kasing bagay ang nangyayari, maaring inaasahan maari rin namang hindi; pero ang mahalaga eh sa pagtatapos ng araw muli ninyong mabuo ang pagsasama na muntikan nang masira, dahil sa pagtatapos ng araw ang mahalaga lang naman ay ang mga bagay na natutunan ninyo sapagkat ang mga bagay na pinagdaanan ninyo at nalampasanay ang siyang magpapatatag sa relasyon inyong binubuo.
Prince: Gusto kong makipag sex sa iba. Niyaya kasi ako ng friend ko, pero blow ko lang naman daw siya.
ME: eh bakit hindi na lang sa ako?
Prince: Gusto ko rin.
ME: O, sige bibigyan kita ng guilt free pass, puwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin.
Prince: Thanks!
Unang-una sa lahat, kung may isang bagay kang dinaramdam sabihin mo kaagad, iparating mo ng maayos; kung sa tingin mo hindi tama sabihin mo kaagad para maayos. Huwag kang matakot mag-salita at panindigan ang iyong paniniwala kahit ang kapalit man nito ay ang pag-lisan ng taong gusto mo o ng taong mahal mo.
Si Prince ay isang lalaking nakilala ko lang sa isang gay application sa phone, mutual understanding ang stage namin ngayon, kailangan muna raw ng formal introduction sa parents ko at sa mom niya bago niya ako ipagpaalam upang maligawan.
Sa pag-uusap sa taas, ang pagkaka-mali ay ang pagtatanong ko nang, “bakit hindi na lang ako?” Mali siya kasi takot ako sa maririning kong sagot. Inaasahan ko na sasabihin niyang nagbibiro lang siya o inaasar niya lang ako, pero ‘yung sagot na narinig ko OUCH! Below the belt!
Sunod na pagkakamali ay ‘yung Guilt Free Pass na ‘yun na napanood ko sa American Pie: The Naked Mile. Bakit ko naman kasi kailangang gawin iyon? Tiwala? Eh harap-harapan na akong pinagtataksilan. Isa pang mali diyan ay natakot ako na mawala siya sa akin, na kapag sinabi kong hindi puwede ay iwan na lang niya ako. Uhaw na uhaw ako sa attensyon at pagmamahal. Pakshet kasi hindi ko na ito nagugustuhan.
ME: Gusto mo pa bang mag-explore?
Prince: Gusto.
ME: O sige malaya ka na, hindi na muna kita guguluhin.
Ito ‘yung parte ng isang story kung saan hinaharap na ang problema. Pinakawalan ko na, pero he insisted on staying. So he stayed. And later that night he jacked off with someone. Nang-hingi siya ng sorry, at ako si tanga pinatawad ko.
Tapos noong isang araw nag-talo kami dahil wala na daw akong oras sa kanya. Busy naman kasi ako sa school, ang daming homeworks, sunod-sunod exam, ang hirap mag-puyat kasi bugbug na katawan ko sa byahe pa lang. Mahirap bang intindihin iyon? Kung gusto niyo ng isang mature na relationship dapat iniintindi ninyo ‘yung kalagayan ng bawat isa. At dahil dun he jacked off again sa skype with someone.
ME: Hindi mo lang ba ako naisip? Hindi mo man lang ba naisip kung ano ‘yung mararamdaman ko kapag ginawa mo ‘yun?
Prince: Naisip naman kita eh, kaso malungkot ako masyado, tapos wala ka, pinigilan ko namang isipin kaso hindi siya nawala sa isip ko.
Somehow, I think mas magandang sagot ‘yung “Sorry, hindi kita naisip.” Keysa sa naisip ka na nga niya, pero ginawa pa rin niya. Pangalawa, ano bang ibig-sabihin ng, “hindi siya nawala sa isip ko.” Sa isang relasyon, kung gusto niyo maging mature, tigilan ang paglalandi sa iba, hindi masama makipag-kaibigan, hindi masama makakilala ng iba, pero kung sa tingin mong hindi ka pa ready magsettle down sa isang tao, eh bakit kailangan mong hilain siya? Sa isang relasyon dapat matuto tayo kung paano mag-resist ng temptation, oo, maaring pinanganak kang malibog, pero para sa taong mahal mo ‘di ba, hindi mo ba kayang pigilan at mag-hintay? Para na lang sana sa taong sinasabi mong mahal mo, sana ipunin mo lahat ng lakas ng loob na meron ka para umiwas at lumaban sa mga temptasyon na dumadating.
Higit sa lahat, kung magmamahal ka, mag-iwan ka ng para sa sarili mo. ‘Yung sapat na pagmamahal sa sarili para mapagtanto mo kung gaano ka nagpapaka-tanga sa isang taong hindi ka naman kayang ipaglaban. ‘Yung sapat na pagmamahal sa sarili mo para masabi mong, “tama na!” para may lakas ka ng loob para tigilan na ang kalokohan.
Para sa isang tulad ko, imposible na nga ata ang isang istorya ng pag-ibig. Siguro panahon na para isara ang aklat at tigilan ang pagsusulat. Siguro panahon na para talikuran ang pag-ibig, ang pangarap na holding-hands, halikan sa sunset, yakap, paglalambing; siguro panahon na para tigilan ang paglalakad sa Puerta Del Parian habang nangangarap ng isang pag-ibig… siguro panahon na, para maging mature ako at sabihin sa sarili ko na walang pag-ibig ang naghihintay para sa akin.
























